Maka-antos ba mo na dili makigcommunicate sa GF or BF nimo???
Long Distance Relationship :-/
3:55 AM |
*Minsan may bagay na
pilit mong hinahanap sa iba, at nakatutuwa na sa kahahanap mo, mapupunta ka pa
rin sa inayawan mo nung una.. Ngunit matatanggap mo pa ba ito kung nagkubli
siya sa ibang katauhan para lang sa ‘yo?*
Philip Mishra went from
being “single” to “in a relationship”
Napukaw ang interes ni
Shane sa status update na yun. Kaagad n’ya tong ni-like at nagcomment sya.
“Sino ang kawawang
babae?, este lucky girl pala ”
Na-excite sya sa
magiging comment nito.
‘Ikaw.’
comment ni Philip
pagkaraan.
Shane: Hahah. Pasaway
ka. Baka online gf mu. Magselos pa saken yun.
Philip: Hindi yan. Alam
nya na sya ang only one ko at ikaw shenget ay paningit lang.
Natawa sya ng mabasa ang
tawag nito sa kanya. Magcocomment pa sana sya ng mag-appear ang pangalan nito
sa chatbox.
Philip: oi shenget!, long time no hear ah
Shane: oh nga eh., busy kasi.
Philip: busy sa pag-uupdate ng status?
Shane: hahah., kasama na rin un.
kamusta ka na?, may
lablayp na oh., nakz naman phiyat.. Hahah
Philip: Iba talaga pag
gwapo.
Shane: hahah., ang kapal
mu talaga.. eh sino ba gf mo?
Philip: di na ko payat.
Macho papa na to.
Shane: talaga lang ah..
Macho…. Palito??? Hahahah
Philip: hahah., ayaw mu
na naman maniwala., ikaw ba shenget kamusta na? ok ba kayo ng bf mo?
Shane: pano mo nalamang
may bf ako?
Philip: ay, nabawasan
ang katalinuhan mo shenget? Ayun oh, nakalagay, in a relationship with Farnan
Martin..
Shane: hahah, alam ko.
Now I know, tumitingin ka sa profile ko.
Philip: napatingin lang
ako .. so, kamusta ang bf mo?
Shane: ok naman sya..
Mabait., yun nga lang di pa kami nagkikita..
Philip: ganun?, teka
video chat tayo. Kwentuhan mo ko
Hindi na nakatanggi pa
si Shane ng ivideo-call sya nito. Nabigla pa sya ng bahagya ng makita si Philip
sa video.
Gwapo na ito noon pa,
pero ‘mas’ gwapo ito ngayon.
“Naka-contacts ka? Nakz.
Ang gwapo mo ngayon ah” nakangiting sabi ni Shane.
“Ikaw lang naman walang
bilib saken eh, di ba sabi ko sayo macho na ko.” tumatawang sabi ni Philip.
“Hahah. Kaya ba may
nabingwit ka na kasi gwapo ka na ngayon Phiyat?”
“Hahah. Di ba ikaw ang
magkkwento ngayon? Ba’t ako tinatanong mo”, inulit nito ang tanong. “Kamusta
kayo ni Farnan?”
“Ok naman kami. Yun nga
lang, LDR. Saka di pa nga kami nagkikita.” kwento ni Shane.
“Hala ka. Baka mas gwapo
pa si Mang Tano dun. Hahah.”
Napatawa si Shane. Ang
tinutukoy kasi ni Philip na Mang Tano ay yung bungi at panot na nagtitinda ng
kung anu-anong mga alahas na tigsasampu malapit sa school nila.
“OA ka naman Phiyat!
Hahah. Cute naman pics nya ah.”
“Pano kung puro DL lang
pala un?”
Sandaling hindi umimik
si Shane. Bigla ay sumeryoso ang mukha nya.
“Ah basta. Nagpromise
naman sya saken na uuwi na sya next month dito sa Pinas. Magkikita kami at may
sasabihin sya saken.”
“Hahah. Pikon ka pa rin
shenget?”
Iniba na ni Philip ang
topic dahil naka-amoy na ito na nag-iba sya ng mood.
Highschool buddies si
Shane at Philip. Ang magpartner sa Romeo and Juliet na musical stage play.
Akala nga ng lahat ay magiging sila noon. Ngunit hindi nangyari dahil hindi
gusto ni Shane si Philip. May pagkamaangas kasi ang binata, bagay na ayaw ng
dalaga. Nayayabangan sya dito minsan. Kaya naman hanggang matalik na
magkaibigan lang sila. Best buddies, partners in crime, at kung anu-ano pa.
Masayang kasama si Philip at yun ang isa sa mga katangiang nagustuhan nya dito.
Walang oras na hindi masaya pag kasama ito. Pero syempre, hindi mawawala ang
pikunan.
“Ang yabang mo! Genius
ka man sa tingin ng iba, para saken malabo pa rin ang iyong mata!
Phiyaaaattttt!!!!!” naalala pa ni Shane na sinabihan nya ng ganyan si Philip
nung minsang mag-away sila.
Ngunit away-bati man,
solid pa rin ang samahan nila na naputol lang nung nag-migrate sila Philip.
Matagal din silang nawalan ng komunikasyon. Salamat sa fb at muli silang
nagtagpo. Pero hindi na katulad ng dati, minsan na lang sila magkumustahan.
Minsan nga ay hindi na. Ngayon na lang ulit sila nakapagkwentuhan at natutuwa
si Shane dito. Kahit papaano ay namiss din nya ang kaibigan.
* * *
Farnan: hon
Nagising ang diwa ni
Shane ng mag-appear ang name ng bf nya sa chat.
Shane: hello hon
Farnan: bakit gising ka pa? Di ba sinabihan na kita
na wag ka na magpupuyat. Akala ko pa naman matutulog ka na nung maggudnyt ka
kanina.
Shane: i’m sorry hon. I need to pass this report
2m. Nirurush na ko ni boss eh., promise after this di na ko magpupuyat..
Farnan: ok, promise mu yan ah. Kumain ka muna.
Shane: midnight snack? O_o. Ayoko nun hon.
Nakakataba yun eh..
Farnan: ok lang un hon., ur still beautiful tumaba
ka man. Kesa naman magkasakit ka dahil sa gutom.
Shane: how sweet naman ng bf ko.. Kaya labs na
labs kita.. :*
Farnan: I love u more hon. Concern lang ako sayo..
Sige na, baka nakakaistorbo ako.. After that sleep ka na ah.. Goodnight love :*
Nag-offline agad ito.
Pero alam ni Shane na hindi ito naglog-out.
Si Farnan, bf nya.
Nakilala nya ito sa isang fb group na sinalihan nya. Isa sa mga kakulitan nya
gabi-gabi. Naging close sila. Nadevelop sya dito at ito sa kanya kaya naging
sila.
Alam nya na kabaliwan
ang mahalin ito dahil hindi nya ito personal na kilala. At hindi nga rin sya
sigurado kung totoo ba ang identity na ginagamit nito. Pero hindi naman ang
katauhan nito ang minahal nya kundi ang mga katangian nito.
Sweet, thoughtful,
caring.. at iba pa na hinahanap ng isang Shane sa isang lalaki. Iyan si Farnan.
At isa pa, para bang matagal na niya itong kakilala. May mga bagay itong alam
tungkol sa kanya kahit na hindi nya ito sinasabi dito. Hindi na lang nya
masyadong pinapansin dahil baka nagtatanong lang ito sa mga kaibigan nya gaya
ng pagtatanong nya sa mga kaibigan nito.
Nang matapos sa ginagawa
ay nagshare sya ng status.
Shane
done! Makakatulog na rin
ako!
Philip Mishra commented
on your status.
Naudlot ang pag-out nya
ng makita ang notification na yun. Agad nya itong binasa.
Philip: natutulog ka
pala.. hindi halata
Shane type her comment
‘hahah., magagalit si bf
kaya need kong matulog, ’
Philip: ganun? Matutulog
ka lang dahil magagalit bf mo? Di ba dapat para di na lumaki eyebags mo?
Hahahah
Shane: ang yabang mo
talaga phiyat.
Tuluyan ng nalibang si
Shane sa pakikipagkulitan kay Philip. Naalala lang nya matulog ng mapatingin sa
oras. 3am na!
Shane: oi phiyat. I need
to sleep na. Lagot na naman ako kay Farnan. Goodnight.
Philip: ok. Goodnight
shenget
Philip: aylabyu
Hindi na napansin ni
Shane ang huling comment ni Philip. Nakaramdam na sya ng pagod at antok ng
makahiga na sya. Ngunit bago sya makatulog, napaisip pa sya kung hindi ba
nakabukas fb ng bf nya. Bakit kaya wala ito para sawayin silang dalawa ni
Philip at sabihan sya na matulog na.
* * *
Tumitipa sa kanyang
piano si Shane ng umagang yun, pinag-aaralan ang pyesang kinompose nya para sa
pagdating ng bf ng tawagin sya ng kanyang mama.
“Nak. May bisita ka.”
Napakunot-noo sya. Sino
naman kaya ang bisita nya? Kakapunta lang ng mga kaibigan nya nung isang araw.
“Sino po?”
“Wag ko daw sabihin eh.
Lumabas ka na lang.”
Nag-ayos muna sya bago
lumabas upang harapin ang kanyang ‘bisita’.
Sinilip nya muna ito
bago tuluyang bumaba sa sala. Ngunit hindi nya masulyapan ang mukha nito dahil
abala ito sa pagtingin sa mga framed pictures nya at sa kanyang mga painting na
nakasabit sa wall nila. Ang nakita lang nya ay ang katangkaran nito at pagkamatipuno
ng katawan.
“Ahem,” pagkuha nya ng
atensyon nito ng makalapit sya. “Hello”
Dahan-dahan itong
pumihit paharap sa kanya, dahilan upang dahan-dahan ding bumilis ang tibok ng
puso nya.
Ngumiti ang lalaki at
nagsalita. Halos mabingi si Shane ng marinig ang magandang boses nito na kailan
lang ay narinig nya.
“Ganito na ba ako
ka-gwapo para malaglag ang panga mo?”
Saka lang natauhan si
Shane.
“Phiyat?” di
makapaniwalang sabi niya.
“Kelan ka pa dumating?
Sino kasama mo? Yung girlfriend mo ba? Kelan ka babalik?” sunud-sunod nyang
tanong na ikinatawa ni Philip.
“Pwedeng isa-isa lang
tanong? Mahina ang kalaban.” nangingiti ito habang lumalapit kay Shane.
“kadarating ko lang. Dito agad ako pumunta. Wala akong kasama at kadarating ko
pa nga lang tinatanong mo na kung kelan ako babalik. Ayaw mo ba ko makasama ng
matagal?”
“Hindi naman sa ganun.
Teka, nasan ang gf mo? Andito ba sa Pinas?”
“Andito sa harapan ko.”
hinawakan ni Philip ang pisngi ni Shane.
Nung magrehistro sa utak
ni Shane ang sinabi nito ay awtomatikong nasuntok nya ito sa dibdib, na madalas
din nyang gawin dito noon.
“Sira ka talaga.” sabi
niya dito.
Lalo lang itong natawa
sa inasal niya.
“Kaya namiss kita eh.
Wala ng nambubugbog saken.”
“Hahah. OA ka. Teka,
gusto mo ba ng juice.” alok nya dito.
“No need. Nabigyan na ko
ni tita.” tanggi nito pagkatapos ay tinitigan sya.
Bahagyang nailang si
Shane sa ginawa nito. Magtatanong sana sya ng magsalita ito ulit.
“Halika shenget. Samahan
mo ko mamasyal.”
“Ok ka lang?” taas-kilay
nyang tanong dito. “magpahinga ka kaya muna.”
“Sinabi ko bang ngayon?”
bara na naman nito sa kanya. “pag ba inaya na, kailangan agad-agad? Di ba
pwedeng advance ang imbitasyon?”
“Hahah. Oo na phiyat.
Kainis ka talaga. Bukas na.”
Marami pa silang
napag-usapan. Kapwa sila nasabik sa friendship nilang kaytagal ding nanamlay.
At siguradong ang bukas ay magiging masaya para sa kanilang dalawa.
* * *
Pasyal dito, pasyal
doon.
Libot dito, libot doon.
Laro dito, laro doon.
Kaen dito, kaen doon.
Tila walang kapaguran si
Philip sa pag-aaya sa kanya kung san man nito maisipan.
Nagpasalamat pa sya ng
mag-aya itong tumigil sa isang cafeteria upang magpahinga. Agad nyang tiningnan
ang cp nya ng makaupo sila. At napabuntung-hininga ng wala pa rin ang inaasahang
txt.
“Ang lalim nun ah.”
komento ni Philip na nagmamasid pala sa kanya.
Ngumiti si Shane ng
pilit na ngiti.
“May problema ba?”
nag-aalalang tanong ni Philip.
“Wala to,” sagot ni
Shane.”may hinihintay lang ako.”
“Boyfriend mo.” hindi
tanong kundi siguradong sabi ni Philip. “baka busy lang sya kaya di nagtetext.”
pagtatanggol pa nito sa bf nya na para bang close ito doon.
“Panu mu naman nasabi
yan?”, nakaarko ang kilay na tanong ni Shane.
“Wala lang. Hindi naman
kasi ibig sabihin na hindi nagtext sayo ay nakalimutan ka na. Ilang beses ka
bang nadapa kanina?”
“Sige na. Ako na lampa!
Oh ano naman kinalaman nun?”
“Malay mo, he’s thinking
of you kaya ka nadadapa.” sabi ni Philip na ikinangiti ni Shane.
“Ayan ngumiti ka rin.
Mahal ka nun kaya relax ka lang.” tumayo ito at hinila sya. “Let’s go and make
the most out of this day.”
* * *
Pagod na si Shane at
gusto na nyang matulog pero nagawa pa rin nyang mag-online. Baka sakaling
andito ang hinihintay nya.
Shane
‘asan ka ba?
miss na kita ‘
Matagal syang nakatitig
sa harap ng monitor, inaasam na mabasa nito iyon.
* * *
Philip stared at Shane’s
status.
She misses her bf. Not
him.
He rests his head on his
hands habang patuloy na gumugulo sa kanyang isipan ang mga bagay na inaalala
nya mga ilang araw na rin ang nakakaraan.
Matagal na nyang alam na
hindi siya ang gusto ni Shane. Ang isang mayabang, maangas at alaskador na
katulad niya ay hindi nito magugustuhan kailanman.
Muli syang tumingin sa
monitor. Ilang sandali pa ay nagsimula na syang magtype.
* * *
Kung maaari lang lumabas
ang puso ng tao, malamang lumabas na ito sa lakas ng pagpintig ng makita ni
Shane ang kanyang hinihintay. Nangiginig pa sya habang binubuksan ang notif.
Farnan: i miss u too
hon. I’m sorry, i’m too busy that i’m not able to greet you the whole day. can
u forgive me hon?
Shane smiled.
Shane: it’s ok.
Nag-pop up ito sa
chatbox
Farnan: hon
Shane: yes hon?
Farnan: how’s ur day?
Shane: ok lang naman. Namimiss ka..
Farnan: aw. Don’t be sad. Marami kasi akong inayos
kanina.
Shane: akala ko kasi nakalimutan mo na ko.,
Farnan: hindi yun mangyayari mahal ko., :*
busy lang talaga.
So kamusta? Seems like u
had a great day. Nice pics
Shane: huh?
Farnan: hu’s dis philip?
Tiningnan ni Shane ang
profile nya. Nun lang nya napansin na tinag sa kanya ni Philip ang mga pics
nila kanina.
Shane: oh, he’s a friend. Highschool buddies
kami. Nagkahiwalay lang kasi sa states na sila nakatira.
Farnan: oh i see. Nililigawan ka nya?
Bagay kayo.
Shane: hon? O.o did i heard it right???!!!!
Farnan: hahahahahah., nabasa mo lang hindi
narinig..
Shane: >.<
Farnan: hahah.. just kidding hon., hindi naman
ako papayag na maagaw ka saken ng kahit na sino. Malau man tau sa isa’t isa,
mahal na mahal pa rin kita.
Sapat na ang mga
sinabing yun ni Farnan para makatulog ng mahimbing si Shane ng gabing iyon.
* * *
Sa isang linggong
bakasyon ni Philip, isang linggo din ang pamamasyal nila ni Shane.
Hindi pa rin talaga
nagbabago si Philip. Napakarami nitong kahanginang taglay sa katawan. Pero
punong-puno din ito ng sweetness at thoughtfulness, hindi lang sa kanya kundi
maging sa parents nya. A brother that she never have ang drama ng lalaking ito
kaya lalo itong naging malapit sa kanya.
“Aalis ka na sa
makalawa?” may bahid ng lungkot na tanong ni Shane.
“Mamimiss mo ko?”
“Syempre naman. Bakasyon
ka ulit ha.” parang batang sabi nya dito.
Philip laughs, “Hindi pa
nga ko umaalis, pinapabakasyon mo na ko ulit?”
“Para masaya.”
natatawang sabi ni Shane.
Bigla ay sumeryoso si
Philip.
“Shane.”
“Yes Philip?”
“May I ask u out on a
date?”
Ilang minutong dumaan
ang katahimikan.
“Sure.” ngumiti si
Shane.”Teka nga Phiyat.”
Nagtatanong ang mga
matang tumingin si Philip kay Shane, “Ano yun Shenget?”
“Hindi ba date ang tawag
mo sa mga pasyal nateng ito?” nasa mga mata nya ang panunukso dito na ikinatawa
ni Philip.
* * *
Shane: i’m going to have a date with a friend. Is
it ok with u?
Inabangan ni Shane ang
magiging sagot ni Farnan. Offline ito kaya nag-pm na lang sya.
Farnan: is it with Philip?
Nag-aalangan pang
sumagot si Shane
Shane: ahm… yes hon. Ok lang ba?
Farnan: it’s fine with me.
Nakahinga ng maluwag si
Shane sa sagot ng bf. Kahit na pumayag na sya sa date nila ni Philip, gusto pa
rin nyang alam ito ng bf para walang anumang gusot na mangyari sakali man na
may ibang makakita sa kanila.
Shane: thanks mahal. It’s a friendly date lang
naman. Aalis na kasi sya next day kaya inaya nya ko to have a dinner with him.
Farnan: hindi pa ba sapat ang paglabas-labas nyo
araw-araw?
Matagal bago nakasagot
si Shane sa sinabing iyon ng bf.
Shane: nagseselos ka ba hon?
Tanong lang ang nagawa
nyang isagot dito.
Farnan: bakit? may dapat ba kong ipagselos sa kanya?
bukod sa nakakadate ka nya at nakakasama samantalang ako hindi ko yun magawa?
Shane: hon….
Farnan: I’m sorry. I think pagod lang ako. Need to
rest hon. Goodnight.
Shane: ok. Goodnight hon.
Bago pa sya makapag-type
ng i love you ay nag-out na agad ito.
Malungkot na napatitig
lang si Shane sa monitor ng pc. Umaasa pa rin sya na magrereply pa ang bf pero
wala na ulit response mula dito.
Napabuntong-hininga na
lang sya.
* * *
“Ano ba ang
pinangangambahan ko?
Ano ba ang dapat kong
gawin?
May nagagawa na ba akong
mali?”
Ito ang sunud-sunod na
tanong ni Shane sa sarili habang nakatitig sya sa monitor ng laptop nya. Ilang
araw na rin ang nakararaan mula ng umalis si Philip.
Natuloy ang date nila
noon dahil na rin sa txt ni Farnan sa kanya.
I’m sorry hon. I overreacted
kahapon. You can have a friendly date with Philip. I have trust in you.
Isang simpleng date ang
nangyari. Ngunit simple nga bang masasabi yun?
Dahil ang gabing yun ay
nagpagulo sa isipan ni Shane.
“Ok lang naman ang LDR.
Nakaka-survive naman kami ni Farnan.”
Malinaw pa kay Shane ang
naging usapan nila ng gabing iyon.
“Ok sana kung kilala nya
ko bilang ako.”, malungkot na sabi ni Philip.
Kunut-noong napatingin
si Shane kay Philip.
“What do you mean?”,
naguguluhang tanong nya. “LDR din kayo ni gf mo?”
Bumuntung-hininga ito.
“Yeah. At ibang identity
ang ginamit ko.”
Hindi malaman ni Shane
ang tamang irereact. Maang na nakatingin lang sya dito.
Nakatingin lang din sa
kanya si Philip. Tinatantsa ang mga reaksyon nya.
“At bakit mo naman
ginawa yun?”, pagkaraan ay nagawa din itanong ni Shane.
“Dahil alam ko na hindi
nya ko gusto.”
“At pano mo naman nasabi
yun? Nagawa mo na bang ipakilala sa kanya kung sino ka talaga?!”
“Bakit ikaw Shane,
magagawa mo ba akong magustuhan ng higit sa isang kaibigan?”, sa halip ay
tanong nito.
“Oo naman.”, mabilis
niyang sagot.
Kapwa sila natigilan sa
sagot ni Shane. Nabigla sya sa sagot niya at agad na nag-isip ng pambawi.
“I mean, mabait ka
Philip, gentleman, edukado. Kaibigan mo ko kaya alam ko na magugustuhan ka
nun.”
Ilang sandali pang
nanatiling nakatingin lang si Philip sa kanya. Pagkaraan ay umusal ito, “yeah,
kaibigan kita”, pagkatapos ay muling bumuntung-hininga.
Inabot nito ang kanyang
kamay at mahigpit ngunit masuyong hinawakan.
Para pa nyang
nararamdaman ang paghawak nito sa kanyang kamay.
Bumalik ang isip nya sa
kasalukuyan.
Napapikit na lang sya
dahil sa pagdagsa ng mga ala-ala at ng makabagong emosyon na nararamdaman niya.
Naisipan nyang pumunta
sa profile ng bf, at nagulat sa natuklasan.
* * *
Gusto nya ng makakausap.
Ilang araw at gabi na rin syang tulala at napapaiyak sa di malamang dahilan.
Nagdeactivate ng account
si Farnan.
Hindi rin ito sumasagot
sa mga txt at tawag nya.
In good terms naman sila
ng huling magka-usap nito kaya nangangamba sya kung anong nangyari dito.
Si Barbie ang nakita
nyang online. Isa sa mga close nila sa fb group, maging sa personal ng umuwi
ito sa Pilipinas ilang buwan na ang nakalipas.
Shane: mare, may balita
ka ba kay Farnan?
Matagal bago sumagot si
Barbie.
Shane: ei, can u help
me?, di ko na alam gagawin ko.
Barbie: teka mare,
suicidal ka na ba sa lagay na yan?
Shane: malapit na
mare. may alam ka ba? Di ba close kau?
Barbie: over ka mare.
Maghunus-dili ka. Di pa katapusan ng mundo.
Tumahimik ulit ito, na
lalong ikinakaba ni Shane.
Barbie: ayun si Philip.
U better ask him. Out na muna ko mare, anjan na naman si arwin eh. I’ll txt u
na lang.
Hindi na sya
nakapagtanong pa ng mag-offline na ito.
Napatingin sya sa
tinukoy nitong pagtanungan nya.
Si Philip. Mula ng
bumalik ito sa ibang bansa ay dumalang ang pag-uusap nila online. Hinahayaan
nya kasi na ito ang maunang mag-approach sa kanya. Pero sa ngayon, mukhang
maiiba.
* * *
“Mahirap pala ang LDR
pag ang tanging bumubuhay sa relasyon nyo ay nawala.”
Bahagyang nagulat si
Philip ng magchat si Shane sa kanya. Eversince kasi ng makabalik sya ay hindi
ito nauunang makipag-usap sa kanya.
“Bakit? Anong
nangyari?”, tanong niya rito.
“Baka may alam ka kung
nasaan sya ngayon. Nagdeactivate sya ng account. Di sya sumasagot sa mga txt,
tawag at emails ko. Kung ayaw na nya, pwede naman nya sabihin hindi yung bigla
na lang sya mawawala.”
Lalong nakaramdam ng
guilt si Philip. Alam nyang umiiyak si Shane. Pero alam nya na mas masasaktan
lang lalo ito kung hindi nya iyon ginawa.
“Wag ka na umiyak. May
mga bagay talaga na masakit pero yun ang makabubuti para sa lahat kaya
nangyayari. Mas tama lang na lumayo na sya sayo.”
Shane: pano mo nasabi na
tama lang?
Hindi agad nakasagot si
Philip.
Siguro nga ay panahon na
para malaman ni Shane ang katotohanan tungkol kay Farnan.
* * *
“Matagal mo na palang
alam ang tungkol dun, bakit hindi mo sinabi sakin?”, tanong ni Shane kay
Barbie.
Inaya sya nito na
mag-unwind muna at ngayon nga ay nasa park sila.
“Syempre naman nu,
papangunahan ko ba si Philip? Pero sinabihan ko na sya dati pa na magtapat na
sayo kasi eventually malalaman mo din naman na si Farnan at sya ay iisa.”
“Ni hindi ko man lamang
nahalata.”
“Nahalata mo yun friend.
Yun nga lang kasi, inlove ka sa dalawa kaya di mo alam na nahalata mo na sya.”,
sabi ni Barbie.
“Si Farnan lang ang
mahal ko. Na ngayon ay hindi na.”, malungkot na sabi ni Shane.
“Sus. Kaya pala iba din
pag si Philip ang kakulitan nya.”, panunukso ni Barbie sa kanya. “alam mo
friend, ok lang naman yun. Iisang tao lang naman sila. Kaya natural lang na
mahal mo si Farnan at si Philip.”
“Niloko nya ko.”, ang
tanging nasabi ni Shane.
“Hindi ka nya niloko.
Mahal ka talaga nya. At yung Farnan na name, character nya yun sa isang
stageplay. Naalala mo ba nung una syang pumasok sa group? Nagcomment ako na
familiar ang name nya. Parang galing sa stageplay. Nagmsg sya saken that time
na wag daw ako maingay kaya binawi ko yung statement ko.”, mahabang paliwanag
ni Barbie.
Ngunit konti lang ang
naintindihan ni Shane sa paliwanag na iyon.
“Kung hindi nya ko
niloko bakit hindi nalang as Philip yung ginamit nya bakit gumamit pa sya ng
Farnan?”, pangangatwiran niya.
“Bakit? Kapag ba si
Philip, mamahalin mo ba sya agad gaya ng pagmamahal mo kay Farnan?”, tanong ni
Barbie na hindi magawang sagutin agad ni Shane.
“Sabi mo dati di ba,
hindi mahalaga sayo kung sino ba talaga si Farnan, ang mahalaga, mahal mo sya,
tatanggapin mo sya kahit sino pa sya.”, pagpapatuloy pa ni Barbie.
“Dahil ang akala ko
ibang tao sya.”, sagot ni Shane.
“Bakit, si Philip ba
hindi mo magawang mahalin kung sino sya?”, tuloy pa rin si Barbie.
“Tama na. Lalo lang ako
naguguluhan.”, maiiyak ng sabi ni Shane.
Sandaling katahimikan ang
namayani. Pagkatapos ay nagsalita ulit si Barbie.
“Hindi naman ang tanong
dito ay kung sino ba sya. Ang tanong dito ay mahal mo ba sya? Bakit mo kasi
papahirapan ang sarili mo kung may nararamdaman ka naman sa kanya? Hayaan mong
burahin ng pagmamahal mo ang galit na nasa puso mo.”
Tahimik lang si Shane.
Tinatantsa nya ang kalooban at ang mga sinabi ni Barbie.
“Barbie, anong date
ngayon?”, tanong niya rito pagkaraan.
“Feb 2.”, nagtatakang
sagot nito.
“Halika samahan mo ko,
may susunduin ako.”
* * *
Mayabang. Iyon lang
naman ang kapintasan ni Philip na ayaw nya. Pero bakit sa dinami-rami nyang
manliligaw noon na hindi mayabang, bakit wala syang sinagot? Dahil lang ba sa
ang atensyon nya ay na kay Philip? Sa mga stage play, sa mga costume party, at
sa lahat ng party, hindi sya umaattend kung hindi ito ang partner. Dahil ba sa
ito lang nakakasundo nya kahit na minsan nagkakatampuhan sila?
Si Farnan. Minsan
naaalala nya si Philip pag nakakabiruan ito. Para itong si Philip na binawasan
ng kayabangan. Oo, si Philip ang naiisip nya dati na tinanggap nya bilang si
Farnan.
Kanina sa pag-uusap nila
ni Barbie ay naging malinaw na ang lahat sa kanya. Nag-exist na ito noon, at
lumalim ngayon.
“Sino ba susunduin natin
dito sa airport? May balikbayan friend ka ba?”, nagtatakang tanong ni Barbie.
“He promises na uuwi sya
ngayong date na to para makipagkita sakin. If he keeps his promise, patatawarin
ko na sya.”
Sa sinabing iyon ay
ngumiti si Barbie.
“That’s the fighting
spirit girl!”
Ilang sandali pa ay
natanawan na nila ang hinihintay. Bago pa ito makapara ng taxi ay nakalapit na
agad si Barbie dito.
“Woy, balikbayan. Wala
kang sundo?”
Nagulat ito ng makita si
Barbie.
“Bakit ka nandito? May
susunduin ka?”
“Oo. Ikaw.”
“Ako? Pano mo nalamang
uuwi ako. Isa lang ang pinagsabihan ko…”, hindi na nito itinuloy ang sasabihin
at naghanap sa paligid. Namataan nito si Shane na naglalakad na rin palapit sa
kanila.
“Shane..”
Ngumiti si Shane dito.
“Buti umuwi ka.”
“Di ba nangako ako na
uuwi ako? Kahit hindi tayo magkita, nangako ako kaya tutuparin ko yun. Pero
nandito ka ngayon sa harapan ko.”, hinawakan ni Philip ang kamay ni Shane, para
bang sinisigurado kung totoo ba o may jetlag lang sya. “Namiss kita.”
Ilang minuto ding walang
nagsalita sa kanila. Para bang sa tingin lang ay nasasabi na nila ang lahat ng
gusto nilang sabihin.
“Ahem. Baka pwede na
tayong umalis?”, basag ni Barbie sa katahimikan.
Dun lang natauhan ang
dalawa.
“May kasalanan ka sakin
Phiyat kaya ililibre mo kami ni Barbie.”, sabi ni Shane.
“Ngayon na? Hindi ba
pwedeng umuwi muna ako para magpahinga? Wala pa kong tulog.”, nagrereklamo sabi
ni Philip.
“Umaangal ka?”
“Hindi po mahal ko.”,
agad na bawi ni Philip.
Ngiting-ngiti si Barbie
habang nakatingin sa dalawa.
Si Shane naman ay
nagpapasalamat sa kaibigan sa tulong nito.
At si Philip, walang
kapantay na kaligayan dahil sa muling pagtanggap ng kaisa-isang babaeng minahal
nya mula pa noon.
* * *
Barbie smiled as she
reread her current status.
‘Another love story in
online.
Kelan naman kaya ang
akin?
?’
Ilang segundo lang ay
may nagcomment na dito.
Arwin
ayaw mo kasi ako
sagutin..
# # #
Subscribe to:
Posts (Atom)





